Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tricycle

Sa Santa Maria, Bulacan< br> TULAK NA PUMO-FRONT BILANG TRIKE DRIVER, ARESTADO

Nagwakas ang pamamayagpag sa pagtutulak ng isang lalaki na pumo-front bilang tricycle driver nang maaresto sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Santa Maria, Bulacan kahapon ng madaling araw, Mayo 3.

Sa ulat mula kay PLt.Colonel Christian Alucod, hepe ng Santa Maria Municipal Police Station (MPS), ang arestadong suspek ay kinilalang si Michael Canlas y Pepito alyas Michael, 45, tricycle driver, tubong Manila, kasalukuyang nainirahan sa No.0123 Brgy. Caypombo, Santa Maria, Bulacan at nasa PNP-PDEA unified watch list.

Ayon sa ulat, ang mga tauhan ng SDEU ng Santa Maria MPS sa pakikipag-ugnayan sa PDEA ay nagkasa ng buy-bust operation laban kay alyas Michael dakong alas-12:05 ng madaling kahapon.

Napag-alamang ang poseur buyer ay nakipagtransaksiyon sa suspek at nakabili ng isang selyadong pakete ng plastic na naglalaman ng crystalline substance o pinaghihinalaang shabu.

Matapos magkaabutan at magpositibo ay dito na inaresto si alyas Michael kung saan nakumpiska pa sa kanya ang isang piraso ng 500 peso bill na marked money; limang piraso ng selaydong pakete ng plastic na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu kabilang ang buy-bust items na tinatayang may timbang na 1 gramo at street vaue na PhP6, 800 at isang piraso ng coin purse.

Ang arestadong suspek at mga nakumpiskang ebidensiya ay dinala sa Santa Maria MPS para sa angkop na disposisyon at ita-turn over sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa medical at laboratory examination.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 na inihahanda para isampa sa Office of the Provincial Prosecutor, City of Malolos. (Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …