MATABIL
ni John Fontanilla
APRUBADO sa Kapuso star at endorser ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center na si Sanya Lopez ang tambalang Barbie Forteza at David Licauco at hindi nga nito maiwasang kiligin sa tuwing napapanood ang dalawa sa Maria Clara at Ibarra.
Ani Sanya sa Inauguration at Ribbon Cutting ng Shinagawa kamakailan, “Congratulations talaga sa kanila (Barbie at David) ibang klase ‘yun, kahit naman ako kinikilig sa kanila ‘pag nanonood ako.
” Actually ako ‘pag nanonood ako ng ‘Maria Clara at Ibarra,’ kinikilig ako kasi ang cute nila. Si David Licauco naging kaibigan ko kasi siya, okey naman si David as in mabait naman siya, marespetong tao and same with Barbie kaibigan ko rin, mas una ko ngang naging kaibigan si Barbie, mas unang nakilala ko si Barbie kaysa kay kuya (Jak Roberto), kasi naging best friend ako ni Barbie sa ‘The Half Sisters.’
” And si Barbie napakahusay na artista niyan and ang mag-click sila ni David sa mga tao at mag-trending sila and magkaroon ng maraming supporters at kung ano man ang success na marating nila go kami para suportahan si Barbie at David.”
Okey din kay Sanya ang tambalang Barbie at David kahit na nga ang kapatid niyang si Jak ang boyfriend ni Barbie.
“Yes, actually ‘yung kuya ko proud kay Barbie and kay David, but siyempre nagkakataon na boyfriend ‘yun, pero ‘di ko alam kung nagseselos ba ang kuya ko kasi wala naman siyang sinasabi sa akin, pero nakikita ko na happy siya kay Barbie sa career niya.”
Naibahagi rin nito ang naging malaking tulong ng Shinagawa sa pagpapalinaw ng kanyang mata.
“Bago mag-‘First Yaya’ wala akong ginagawa kasi nag pandemic so, nasa bahay lang lahat so puwede kang makapagpahinga. Roon ako nag-try na sige nga puntahan ko ang Shinagawa, kasi sinasabi nila na talagang safe at napakaganda talaga ‘yung linaw na nakaiiyak ang linaw niyong mga nakikita ko. So ganoon ‘yung na experience ko.
“And after po niyon naging happy ako sa Shinagawa kasi nagpo-post ako ng ganito, and they decided na kunin nila ako as endorser. Talagang okey sila and to be an endorser and part of Shinagawa family, I’m very happy and nakaka-proud din na hindi lang sila basta sa eyes. Mayroon na rin silang pangkalahatan, if ever na gusto niyong magpa-check-up. If you don’t want to feel na nasa hospital kayo, lalo na ‘yung kinakabahan na magpa-check-up sa hospital, so rito mas maganda, mas relax ka.”
At sa nalalapit na pagtatapos ng Mga Lihim ni Urduja ay masaya si Sanya na may mga project na napag-uusapan na susunod niyang gagawin sa GMA.