Monday , December 23 2024
Bulacan Police PNP

Pitong sugarol, dalawang tulak at isang pugante nasakote

Sa pinatindi pang anti-crime drive ng pulisya ay sampung katao na pawang may paglabag sa batas ang naaresto sa Bulacan hanggang kahapon ng umaga, Abril 30.

Una sa ulat, ang mga operatiba ng Malolos at Guiguinto C/MPS ang umaresto sa pitong katao sa magkakahiwalay na anti-illegal gambling operations.

Ang Malolos CPS ay arestado ang apat na suspek matapos maaktuhang nagma-mahjong sa Sitio Tuklas, Brgy. Mabolo Malolos City at nakumpiskahan ng mga mahjong playing cubes, dalawang piraso ng dice, isang squared table, apat na monobloc chairs at perang taya sa iba’t-ibang denominasyon.

Ang mga tauhan naman ng Guiguinto MPS ay naaresto ang tatlong suspek matapos maaktuhan sa pagsusugal ng Kara y Cruz sa Brgy. Ilang-Ilang, Guiguinto, Bulacan at nakumpiskahan ng mga ebidensiya tulad ng coins na gamit sa panggara at perang taya sa iba’t-ibang denominasyon.

Samantala, ang pinagsanib na mga operatiba ng Bocaue MPS, SOU3-PNP DEG at Bustos MPS ay nagkasa ng anti-illegal drug operations, na nagresulta sa pagkaaresto ng dalawang suspek sa droga.

Nakumpiska bilang ebidensiya sa mga suspek ang kabuuang siyam na pakete ng pinaghihinalaang shabu at buy-bust money.

Sa inilatag namang manhunt operation ng tracker team ng Bulakan MPS ay naaresto si alyas Nognog, 32, ng Brgy. San Pedro, Area F, San Jose Del Monte City, sa bisa ng warrant of arrest para sa krimeng Grave Threat sa Brgy. Kaypian, San Jose Del Monte City.

Ang mga arestadong suspek at akusado ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng kani-kanilang arresting unit/station para sa angkop na disposisyon.

Ayon kay Police Colonel Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, ang kapulisan sa lalawigan ay patuloy sa pagiging matapat sa sinumpaang tungkulin na pangangalagaan ang komunidad laban sa mga criminal activities.(Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …