Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Its Showtime

It’s Showtime trending, balik alas-dose na 

PASABOG na opening number ang inihanda ng hosts ng It’s Showtime sa kanilang pagbabalik sa 12 NN timeslot kahapon, Lunes (May 1).

Ani Vice, wish granted ito para sa kanila at para na rin sa mga madlang people na walang sawang sumusuporta sa kanila. Nag-abot din ng pasasalamat ang hosts sa TV5 sa kanilang bagong timeslot.

Hindi lang naman tayo ang nag-wish at nagdasal para dumating ang araw na ito. Ang daming madlang people ang nagdasal to make this happen. Ang dami sa kanilang nagre-request at nagsasabi ng kanilang damdamin na ‘sana mas mahaba ‘yung oras. Nami-miss namin ‘yung dati nilang ginagawa. Sana hindi kami mabitin.’ So ito na iyong idinasal ninyo, ibinigay na sa atin,” saad niya.

Sa kanilang unang araw sa bagong timeslot, nakasama nina Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Ryan Bang, Amy Perez, Ion Perez, Jackie Gonzaga, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Cianne Dominguez, MC, at Lassy ang dating contestants at winners ng Miss Q &A, Reina ng TahananShowtime Sexy Babe, at Tawag ng Tanghalan pati na ang Batang Cute-Po ng Isip Bata at miyembro ng Hashtags.

Bukod naman sa bagong timeslot, inanunsiyo rin ang pagbabago sa Isip Bata.  Madaragdagan na ng P25,000 ang pot money ng segment sa susunod na araw sa tuwing hindi makukuha ang premyo.

Unang beses din narinig ng madlang people ang pinakabagong single ni Vice na  Rampa samantalang nagsimula na rin ang semifinals ng ika-anim na season ng Tawag ng Tanghalan.  Subaybayan kung sino-sino sa 12 semi-finalists ang uusad sa Huling Tapatan ng TNT

Samantala, maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkatuwa sa bagong oras ng kanilang paboritong noontime show. Kaya naman nag-trending worldwide ang hashtag ng programa na #ItsTimeforShowtime

Panoorin ang It’s Showtime, 12NN mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel,TV5, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, gayundin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel. Huwag din palampasin ang Showtime Online U tuwing 11:45 a.m. sa Kapamilya Online Live.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …