Sunday , December 22 2024
Enrique Gil ABS-CBN

Enrique Gil Kapamilya pa rin (palaban at mas matapang)

CERTIFIED Kapamilya pa rin si Enrique Gil matapos pumirma ng eksklusibong kontrata sa ABS-CBN noong Martes (Abril 25).

Espesyal na red carpet welcome ang binigay kay Enrique sa ABS-CBN compound na sinalubong nina ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak, chairman Mark Lopez, COO of broadcast Cory Vidanes, OIC for Finance Group Vincent Paul Piedad, ABS-CBN Film Productions Inc. head Kriz Gazmen, at Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal.

Kasunod ng red carpet ay ang contract signing event na muling pinatunayan ni Enrique ang kanyang pagmamahal at pagtitiwala sa ABS-CBN. Dumalo rin sa contract signing  ang talent manager niyang si Ranvel Rufino.

Sa pagpapatuloy ni Enrique ng kanyang career bilang Kapamilya, dapat abangan ng mga manonood ang mas palaban at mas matapang na Enrique sa pagganap niya ng mga panibagong karakter na tiyak tatatak muli sa mga damdamin ng Kapamilya. 

Sa 15 taon niya sa industriya, napamahal na si Enrique sa mga Kapamilya dahil sa kanyang angking talento na naging daan para siya ay maging isa sa mga hottest leading men sa industriya. Ilan sa mga natatangi niyang proyekto ay ang mga ABS-CBN teleseryeng Mula sa Puso, Princess and I, Muling Buksan ang Puso, Forevermore, Dolce Amore, at Bagani, gayundin ang mga pelikulang She’s the One,   Seven Sundays, My Ex and Whys, at Just the Way You Are. 

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …