Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Wilbert Ross Yukii Takahashi

Kilig umaapaw sa Ang Lalaki sa Likod ng Profile Episode 2

NAGPAKILIG at nagpasabik ang unang episode ng pinakabagong digital series ng PuregoldAng Lalaki sa Likod ng Profile, nang ipakita ang kakaibang chemistry sa tambalan nina Bryce (Wilbert Ross) at Angge (Yukii Takahashi) sa una nilang pagtatagpo.

Lalo pang matutuwa at ma-iinlove ang mag tagasubaybay sa ikalawang episode, habang hinihintay kung ano ang mangyayari sa lalo pang paglalim ng pagkakakilala nina Angge at Bryce sa isa’t isa. Maging pangtunay na buhay kaya ang digital na pag-usbong ng tambalan ng dalawa? Makikialam kaya ang makulit na nanay ni Bryce na si Bessie (Marissa Sanchez)?

Saya at tawa ang sasalubong sa mga tagapanood, dahil sa ikalawang episode, marami pang kulitan sa pagkakaibigan nina Bryce, Genski (Kat Galang), at Ketch (Migs Almendras).

Opisyal na trailer pa lamang ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile, lutang na lutaw na ang pagkasabik ng mga netizen, dahil sa kapana-panabik na kuwento at mahusay na mga artista.

Sa unang episode na pinamagatang Hello From the Other Side,  nakilala ng mga tagapanood si Bryce, habang pinalilipas niya ang oras bilang manlalaro ng video games, at ang kanyang nanay na si Bessie na kinukulit na siyang maghanap ng girlfriend.

Ipinasilip din s unang episode ang buhay ni Angge, at ang pagsusumikap niyang gumaling mula sa sakit na Toxoplasmosis, isang impeksiyon sa utak na nakaapekto sa kaniyang pagkilos. Nakilala rin ng netizens ang mabait na kuya ni Angge na si Cyrus (TJ Valderrama) at ang Yaya Aimee (Star Orjaliza) ni Bryce.

Ang inaabangang unang episode ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile ay humakot ng napakaraming tagapanood sa opisyal na YouTube channel ng Puregold, na nakatutok sa pag-unlad ng kuwentong pag-iibigan nina Bryce at Angge.

Mukhang magiging hit na hit na serye ang Ang Lalaki sa Likod ng Profile, base sa reaksiyon ng mga netizens. Abangan ang kapana-panabik na ikalawang episode sa YouTube channel ng Puregold, sa Abril 29, 7:00 p.m..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …