Tuesday , December 24 2024
Easy Listening Nestor Cuartero Alfred Vargas

Easy Listening: Personal na mga sanaysay ni Nestor Cuartero 

INIHAYAG ng UST Publishing House (USTPH) ang paglabas ng kalilimbag na aklat, sa ilalim ng kanilang creative nonfiction shelves, na Easy Listening ni Nestor Cuartero, kaipunan ng mga personal na sanaysay ng veteran journalist at book author sa kanyang matapat na pagtalakay tungkol sa iba’t ibang paksa — mula sa pagninilay sa pagiging ama hanggang sa mga pagdiriwang sa mga biyaya ng kalikasan — na pawang isinulat gamit ang pagiging mausisang peryodista at malikhaing pananaw bilang manunulat.

Mababasa sa mga sanaysay sa 116 na pahina ng aklat ang mga pagmumuni ng diwang malumanay at mapagmasid, sa pagkatuwa sa kagandahan ng mga pangkaraniwang bagay sa araw-araw: palakaibigang mga kapitbahay, paglalakad-lakad sa hapon, ang matamis-maasim na mga prutas, ang kasiyahan sa pakikinig sa pagmamadali araw-araw. Ito ay panulat na humagilap sa kamangha-mangha sa karaniwan at naipahayag sa paraang tila paglalakad lamang sa masigla at pamilyar na daan pauwi sa tahanan. 

Nailarawan ng acclaimed essayist at fictionist na si Cristina Pantoja Hidalgo ang ganitong kuro-kuro sa Introduction: “All in all, the book makes for a pleasant experience. It’s like having a casual visit with the author, on a quiet afternoon, sharing a cup of that Baraco coffee, and conversation on this and that, and the other. One comes away from the experience realizing that one is feeling lighter and better about oneself and the world, as a result of the friendly companionship, and the homespun wisdom.” 

Ayon kay Cuartero, ang Easy Listening ay walang iba kundi ang tinatawag ni Andrew Rooney na “pieces of my mind,” mga bunga ng kaisipan ng isang matanda, mga tala at notasyon tungkol sa pangngalan at pandiwa, sa mga tao, sa mga lugar, at mga bagay, maliliit na sanaysay tungkol sa pamilya, sa mga halaman at hayop, mga pusa, mga aso, mga kaugalian at tradisyon, mga karanasan, na makulay at matamis sa alaala, hindi nangangahulugang salungat, sa manlalakbay na ito na nanggaling na roon at nagawa na ang dapat gawin. 

Sa kanyang isinulat: “Happily, they are just that, rumblings, not rants, on what is true, good, beautiful and memorable.

“Jotting them down, glossing over them, make, for me, the essence of a good life. Enjoying them through sheer remembrance, seizing the moment, listening to winds of change, looking back with joy in one’s heart, is one secret to youthfulness and towards happy old age.

“And so, with this in mind, and with heart throbbing and thriving, the title of this slim collection was born: Easy Listening. 

“Hope this book catches you in that joyful mood, light and free and easy, as when I started and finished writing its contents.”

Sa kabilang banda, finalist si Cuartero sa Nick Joaquin Literary Awards na sponsored ng Phils Graphic Magazine. Isasagawa ang awarding sa May 4 sa Winford Hotel sa Maynila.

Mabibili na ang mga kopya sa UST bookstore sa Main Building, at sa UST online bookstores sa Shopee (https://bit.ly/3VJP9uf) and Lazada (https://bit.ly/3Fld6mt). 

Maaari ring kumontak sa DM, PM (sa Facebook) o magpadala ng text sa 0917-800-5986 para sa mga detalye o orders.

About hataw tabloid

Check Also

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …