Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
David Chua Devon Seron

David Chua malaki ang pasasalamat sa Net 25

MATABIL
ni John Fontanilla

LABIS-LABIS ang kasiyahan ni David Chua sa parangal na ibinigay sa kanya ng 6th Philippines Empowered Men and Women 2023 bilang Empowered Actor and Director na ginanap kamakailan.

Ani David, “Masaya ako. Hindi natin maiwasan na kiligin na makatanggap ng ganoong klase ng parangal.

“Bukod sa nakatataba rin ng puso na mabigyan ng parangal na ang tawag ay empowerment, na ang alam natin ay mabigat ang kahulugan ng nasabing salita.

“Kaya naman sobrang saya ko po dahil isa po tayo sa nabigyan ng ganoong klaseng parangal.

“Kaya naman gusto kong magpasalamat unang-una kay Richard Hinola dahil isa ako sa isinama niyang mabigyan ng award.

“Nagpapasalamat din ako sa aking ‘Goodwill’ cast members na si Devon Seron, sa aking direktor Ian Lorenos, sa ALV Management, Ethan Leyson, Korina Sanchez Roxas at sa bumubuo ng Net 25, kay Ka GP, Ma’am Wima Galvante, Atty, Dimples, Ka Caesar Vallejos, at si Sir Jos na binigyan ako ng pagkakataon na ipakita ang aming talento sa estasyong Net 25.

“At akoy nagpapasalamat sa Net 25 sa ibinigay nilang oportunidad sa akin, maraming-maraming salamat po,” giit pa ni David.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …