Sunday , December 22 2024
Noli de Castro KBYN Kaagapay Ng Bayan

KBYN: Kaagapay ng Bayan ni Noli wagi ng Bronze World Medal sa NY Fest 

NANALO ng Bronze World Medal ang programa ng ABS-CBN News na KBYN: Kaagapay Ng Bayan, na pinangunahan ng beteranong mamamahayag na si Noli de Castro, bilang Best Public Affairs Program sa prestihiyosong New York Festivals TV & Film Awards noong Abril 18.

Inanunsiyo ang mga nagwagi sa 2023 Storytellers Gala, na itinampok ang mga awardee ng iba’t ibang kategorya sa telebisyon at pelikula.

Nagsilbing pagbabalik sa telebisyon ni Noli ang KBYN noong Abril 2022, na nakasama sa shortlist bilang ang tanging kalahok mula sa Pilipinas sa kategoryang Balita: Programa.

Itinampok sa programa ang mga kuwento ng pakikibaka ng mga ordinaryong Filipino at mga istorya ng inspirasyon at tagumpay. Sa kasalukuyan, ang palabas ay ginawang bahagi ng TV Patrol na pinamagatang KBYN Special Report. Maaaring panoorin ang mga episode ng KBYN sa YouTube channel ng ABS-CBN News.

Sinasaklaw ng New York Festivals TV & Film Awards ang lahat ng aspeto ng industriya ng telebisyon at pelikula at kinikilala ang mga innovator ng industriya mula sa mahigit 50 bansa sa 14 na kategorya.

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …