Sunday , December 22 2024

Media officer ni Nograles nag-suicide

DAVAO CITY – Patay na nang idating sa ospital ang media relation officer at pinsan ni dating House Speaker Prospero “Bo” Nograles matapos magbaril sa sarili.

Kinilala ang biktimang si Victor Rafael Ranada Castillo, 48, residente ng Kilometro 7, Lanang, sa lungsod ng Davao, nagbaril sa sarili dakong 1:15 a.m. nitong Martes sa No. 12, Sagittarius St., Doña Luisa Subdivision, Ecoland, Davao City.

Si Castillo ay nagtatrabaho din sa kanyang pamangkin na si Davao City First District Rep. Karlo Nograles.

Lumabas sa imbestigasyon ng Talomo Police Station, dakong 12:30 a.m. nitong Martes ay naglasing ang biktima sa gilid ng bahay ng kanyang kaibigan na si Jose Gabriel Pizzaro, 60.

Pagsapit ng 1:30 a.m. nakarinig si Pizzaro ng putok ng baril.

Nang tingnan niya ang pinagmulan ng putok ay natagpuan niyang nakahandusay ang duguang biktima habang nasa tabi ang baril.

Ang biktima ay may tama ng bala sa ulo na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Ayon sa pulisya, bago ang insidente ay nag-away ang biktima at ang kanyang misis na si Matet Castillo.                  (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *