Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Indian national utas sa tandem

PATAY ang isang Indian national matapos tambangan ng riding in tandem makaraang maningil ng pautang kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Kulman Singh alyas Jesse, 59, residente ng #104 Dama de Noche St., Brgy. Marulas ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap na ang dalawang hindi nakilalang suspek na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril sakay ng hindi naplakahang motorsiklo.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong 7 p.m. sa Pio Valenzuela St.

Nabatid na sakay ng kanyang motorsiko ang biktima nang sabayan ng motosiklong sakay naman ang dalawang suspek.

Pagsapit sa madilim na bahagi ng lugar ay hinarang ng mga suspek ang biktima saka malapitang pinaputukan.

Hinala ng mga awtoridad, may kinalaman ang insidente sa malaking sindikato na pinatatakbo ng mga Indian national. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …