INIHAYAG na ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang walong pelikulang kalahok sa kauna-unahang Summer Edition. Ang walong pelikula ang nakapasa sa kanilang criteria na: artistic excellence, commercial appeal, Filipino cultural sensibility, at global appeal.
Nakatutuwang mga bigating artista ang bida sa walong napili tulad nina Coco Martin, Gerald Anderson, Carlo Aquino, Bela Padilla, Enchong Dee at marami pang iba.
Ang walong pelikula ay ang Apag ng Center Stage Production na idinirehe ni Brillante Mendoza at pinagbibidahan nina Coco Martin, Lito Lapid, Jaclyn Jose, at Gladys Reyes.
Sina Aljur Abrenica, Alex Gonzaga, at Angeline Quinto naman ang bida sa Singlebells ng Tincan at pinamahalaan ni Fifth Solomon
Mula naman sa Octoberian Films, The IdeaFirst Company, at Quantum Fims ang About Us but Not about Usna pinagbibidahan nina Romnick Sarmenta at Elijah Canlas.
Kasama rin sa walo ang Kahit Maputi Na ang Buhok Ko ng Saranggola Media Productions, Inc. ni direk Joven M. Tan at pinagbibidahan nina RK Bagatsing at Meg Imperial.
Unravel: A Swiss Side Love Story naman ang handog nina Gerald Anderson at Kylie Padilla mula sa MAVX Productions Inc. at idinirehe ni RC Delos Reyes.
Bida naman sina Enchong Dee, Keempee de Leon, Awra Briguela, Xilhouete, Maris Racal, at KaladKaren sa handog ng Quantum Films, Cineko Productions, Brightlight Productions sa pelikulang Here Comes the Groom na idinirehe ni Chris Martinez.
Sina Bela Padilla at Yoo Min-Gon Yung naman ang bibida sa Libro sa Napanuod Ko ng Viva Communications, Inc. at idinirehe ni Bela.
At ang ikawalong entry ay ang Love You Long Time ng Studio Three Sixty Inc. ni JP Habac at pinagbibidahan nina Carlo Aquino at Eisel Serrano.
Bago ang pagpili, umabot sa 33 ang mga nagpasa ng entries. Dalawampu rito ay mga bagong entries, habang nasa sampu naman ang umulit sa pagpasa
Sa April 1 magaganap ang Parade of Stars at mapapanood ang walong entries simA April 8 hanggang 18. Ang Awards Night ay magaganap sa April 11.