Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jerome Ponce

Jerome binigyang importansya sa Martyr Or Murderer

HATAWAN
ni Ed de Leon

BATA pa si Jerome Ponce nang magsimula ng isang career bilang isang actor sa isang serye sa ABS-CBN, at dahil doon ay dumami agad ang kanyang mga fan. Nagkasunod-sunod din naman ang kanyang mga pelikula, malas nga lang at nawalan naman ng prangkisa ang ABS-CBN, at natural apektad omaging ang kanilang mga pelukula.

Nag-freelancer din si Jerome at marami namang kumukuha sa kanya, pati ang isang BL series sa internet gumawa siya na naging hit din naman. Ngayon si Jerome ay kasama sa Martyr or Murderer. Siya ang

gumanap na batang Ninoy Aquino. Kasama siya sa mga press conference, nakita ang kanyang picture sa kanilang poster. Kasama siya sa publisidad. Hindi man siya ang bida, binigyan siya ng importansiya.

Mas mabuti na iyan kaysa roon sa gagawin ka ngang bida tapos hindi ka naman bibigyan ng pagpapahalaga, at aagawan ka pa ng pagkakataon. Pero palagay namin maganda naman ang simula niya ngayon

sa Viva. Hindi man bida, bahagi siya ng isang siguradong kikitang pelikula. Mas mapapansin siya ng mga tao dahil mas maraming makakapanood ng kanyang ginawa, at tiyak na may kasunod pa siyang

gagawin.

Sabi nga nila, mabait na bata naman iyang si Jerome at iyang mga ganyang tao ang dapat na binibigyan ng break at tinutulungang makapanatili nang mas matagal sa industriya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …