Monday , December 23 2024
Miss Caloocan 2023

22 naggagandahang dilag maglalaban-laban para sa Miss Caloocan 2023

BEAUTY and brains. Ito ang ibinandera ng 22 kandidata na naglalaban-laban para maiuwi ang korona bilang Miss Caloocan 2023.  Noong Sabado, February 18, matagumpay ang isinagawang pre-pageant ng Miss Caloocan 2023 na pinangunahan ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, na ginanap sa Diamond Hotel, Manila.

Ang pagdaraos ng Miss Caloocan 2023 ay kaalinsabay ng ika-61st Founding Anniversary ng Caloocan.

Sa pre-pageant activity, ipinakita ng 22 naggagandahang dilag ang kanilang talents at advocacies. Kahanga-hanga ang mga adbokasiya ng mga kandidata na bawat isa sa kanila ay nagnanais makapag-ambag para sa ikabubuti ng mga mamamayan ng Caloocan at ikauunlad nito.

Ilan sa adbokasiya nila ay ukol sa woman empowerment, sports, mental health, poverty, edukasyon at iba pa. Nakatutuwa lamang na sa mga edad nila, 18-22 ay bukas na ang kanilang mga pag-iisip sa mga problemang kinakaharap ng kanilang komunidad. 

Ipinakita rin ng 22 kandidata ang kanilan talento sa pagkanta, pagsayaw, performative arts, sports at pagtugtog ng iba’t ibang klase ng music instrument. 

Inirampa rin nila ang kanilang magagandang tindig at  naggagandahang katawan sa swimsuit portion ng pre-pageant night.

Nagpahayag naman ng kagalakan si Mayor Along sa mga kandidata sa patuloy na pagpapakita ng malasakit sa kanilang komunidad. 

“Kinikilala ko po na bawat isa sa inyo ay mayroong adbokasiya, sana’y mapanatili niyo sa inyong mga sarili ang pagiging mapagmalasakit sa inyong kapwa anuman ang maging resulta ng kompetisyon,” giit ni mayor Along.

Sinabi pa ng ama ng Caloocan na para sa kanya lahat ng 22 kandidata ay panalo na dahil lahat sila ay may kanya-kanyang katangian na nagpapakita ng tunay na pagiging Miss Caloocan.  

“Congratulations to all our ladies. You are all a great representation to our beloved city. Beautiful, wise, talented and determined,” sambit pa ng Caloocan mayor.

Dumalo rin sa pre-pageant ang asawa ni Mayor Along, si Ms. Aubrey N. Malapitan na nanawagang suportahan ang mga kandidata lalo na iyong nagmula sa kanila-kanilang komunidad. 

“Suportahan po natin ang ating mga kandidata. Malaking bahagi po ang ating bawat positibong komento sa kanilang paglahok. Let’s show them we’re proud and grateful for representing our communities,” anito.

Sumuporta rin sa pre-pageant night sina Caloocan District 1 Representative Oca Malapitan, Councilor L.A. Asistio, Orani, Bataan Councilor Abba Sicat, San Miguel Corp. Representative Nap Magno, at Philippine Chamber of Commerce and Industry-Caloocan Chapter Pres. Oliver Uy. 

Ang Coronation Night ng Miss Caloocan 2023 ay gaganapin sa February 25 sa Caloocan Sports Complex, Barangay 171.

About hataw tabloid

Check Also

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …