Monday , December 23 2024
dogs

Sa Nueva Ecija
MAGBAYAW TIMBOG SA NEGOSYONG KARNE NG ASO

INARESTO ng mga awtoridad ang dalawang lalaking naaktohang nagkakatay ng mga aso sa lungsod ng Gapan, sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Kinilala ang mga suspek na pinaniniwalaang mga dog meat trader na sina Ramon Garces at Antonio Pacunla, kapwa residente sa Brgy. Mangino, sa nabanggit na lungsod.

Sa ulat, sinabing naaktohan mismo  ng mga tauhan ng Animal Kingdom Foundation at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang magbayaw na nagpapakulo ng tubig gayondin ang dalawang aso na wala nang buhay at inalisan ng mga lamang loob.

Nakita sa lugar ang mga gamit ng magbayaw sa pagkakatay at pagluluto ng aso na kanilang ibinebenta sa mga parokyano kapag may okasyon.

Samantala, naisalba ang isang aso na nakapilang kakatayin at dinala sa rehabilitation rescue center ng AKF sa Capas, Tarlac.

Matagal nang minamanmanan ng AKF ang pagkakatay ng mga aso sa barangay, kung saan tatlo hanggang limang aso ang kinakatay ng mga nasabing dog meat trader kada araw.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Animal Welfare Act ang mga suspek na pansamantalang inilagay sa kustodiya ng Gapan CPS. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …