Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jun Miguel Talents Academy PMPC 35th Star Awards for TV

Talents Academy wagi sa  PMPC 35th Star Awards for TV

MASAYANG-MASAYA ang dating That’s Entertainment member na si Jun Miguel na siyang producer and director ng matagumpay na children’s show sa telebisyon na Talents Academy dahil wagi ito sa katatapos na PMPC 35th  Star Awards for Television last January 28 na ginanap sa Winford Manila Resort and Casino bilang Best Children Show at Best Children Show Host.

Kuwento ni Jun, grabe ang hirap na pinagdaanan nila para makapagpalabas ng bagong episode every week  dahil ‘yun ‘yung time na kasagsagan ng pandemya. Pero gumawa raw sila ng paraan para makapagpalabas pa rin ng bagong episode  at hindi mag-replay.

Kaya naman pinasalamatan nito ang mga magulang ng mga batang hosts ng Talents Academy sa 100℅ na suportang ibinigay ng mga ito noong nga panahong iyon.

Ayon nga kay Jun, “Tito John hindi po madali ang pinagdaanan namin noong mga panahon ng pandemic para makabuo at makapagpalabas ng linggo-linggo ang Talents Academy, dahil bawal lumabas ang mga bata noon.

“Kaya naman lahat ginawa namin pumupunta ako sa bahay ng bawat host para i-shoot para kahit paano ay may maipalabas kami every week.

“Kaya naman ang pagwawagi namin ngayong gabi bilang Best Children Show at Best Children Show Host ay napakasarap dahil nag-fade at worth it lahat ang hirap na pinagdaanan namin noong mga panahong may pandemya.

Kaya naman nagpapasalamat ako sa mga magulang, mga batang host ng ‘Talents Academy’ at sa aking crew sa suporta sa show namin.

“Nagpapasalamat din ako sa Philippine Movie Press Club na siyang nasa likod ng Star Awards for Television, maraming- maraming salamat po!”

At sa panibagong award na natanggap ay mas pagagandahin pa nila ang bawat episodes na ipalalabas linggo-linggo. (John Fontanilla)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …