Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paolo Ballesteros

Vice Ganda tinalo ni Paolo Ballesteros sa Star Awards for TV

MATABIL
ni John Fontanilla

WAGING-WAGI sa katatapos na Philippine Movie Press Club 35th Star Awards for Television na ginanap sa Winford Hotel Manila Resort and Casino last January 28 ang Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros.

Double win si Paolo sa gabi ng Star Awards for TV na itinanghal itong Best Male Host of the year at isang special award, ang Star of the Night.

Kuwento  ni Paolo na 21 years ang kanyang inantay bago ulit manalo sa Star Awards. Huling nanalo sa Star Awards si Paolo noong 2002  bilang New Male TV Personality of the Year at ngayon lang muli nasundan.

Ibinahagi ni Paolo ang kanyang tropeo sa kanyang Eat Bulaga family, kay Malou Choa Fagar, sa kanyang pamilya, manager na si Jojie Dingcong at sa kanyang mga nakalaban sa nasabing kategorya.

Nagpasalamat din ito sa miyembro at pamunuan ng PMPC na siyang nasa likod ng prestiyosong award giving body na Star Awards for Television.

Nakalaban at tinalo ni Paolo for Best Male TV Host of the Year sina Billy Crawford (LOL/TV5), Gary Valenciano (ASAP Natin ‘To/A2Z, TV5), Jose Manalo (Eat Bulaga/GMA 7), Luis Manzano (ASAP Natin’To/A2Z, TV5), Martin Nievera (ASAP Natin ‘To/A2Z, TV5), Piolo Pascual (Sunday Noontime Live /TV 5), Robi Domingo (ASAP Natin ‘To/A2Z, TV5), at Vice Ganda (It’s Showtime/A2Z, TV5).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …