Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeremy Luis Marikit

Ex-Starstruck Jeremy Luis muntik mag-quit sa showbiz

MATABIL
ni John Fontanilla

HANDANG-HANDA na muling mag-focus sa kanyang showbiz career ang guwapong dating Starstruck Batch 7 na si Jeremy Luis after hindi i-renew ng GMA Artist Center o mas kilala na ngayong Sparkle ang kanyang kontrata at muntik ding magdesisyong mag-quit sa showbiz at magnegosyo na lang.

Pero ngayong nakahanap na ito ng bagong tahanan via Marikit Artist Management na pinamamahalaan ni Joseph “Jojo” Aleta (CEO ng Marikit) ay ipagpapatuloy na niya ang pag-aartista.

Aminado si Jeremy na may fault din siya kaya hindi na na-renew ang kanyang kontrata sa GMA. Masyado siyang naging abala sa negosyong milktea sa Laguna at hindi na nabigyang oras ang kanyang social media accounts at ‘di nakapag-focus sa kanyang career.

Pero ngayon ay 100% plus ang ibibigay niya sa kanyang career lalo na’t natuto na siya sa kanyang pagkakamali. Pero thankful pa rin siya sa GMA 7 dahil ito ang nag bukas ng pinto sa kanya para matupad ang kanyang pangarap na maging artista.

Nagpapasalamat din ito sa kanyang bagong management sa tiwala at pagkakataong maging parte ng kanilang pamilya.

Makakasama ni Jeremy sa Marikit Artist Management ang award winning actress na si Barbara Miguel, ang guwapong newbie na si Charles AngelesAngelika Santiago,fomer child star Kyle Ocampo, at ang Masculadosna kinabibilangan nina Robin Robel, Nico Cordova, David Karell, Enrico Mofar, Richard Yumul, at Orlando Sol.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …