MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI naiwasang maging emosyonal ng ina ng ni Toni Gonzaga na si Mommy Pinty, isa rin sa producer ng concert ng anak sa matagumpay na resulta.
Post ni Mommy Pinty sa kanyang Instagram, “I see God’s favor in your life today and declaring it in the future in Jesus Name. You are truly blessed love and highly favored! We are so proud of you! Keep soaring like an eagle because you are an inspiration to many! Stay healthy, safe, humble and beautiful inside and out!”
Samantala malaking sampal naman sa mga bashe ni Toni na nagsabing magpa-flop at ‘di tatauhin ang concert dahil sa totoo lang punompuno ang Araneta Coliseum. At kahit kahit tapos na ang concert may mga tao pang humahabol para manood.
Naging espesyal na panauhin ni Toni sa concert si Alex Gonzaga, Andrew E na talaga namang nag-enjoy nang husto ang lahat ng nanood sa husay ng performance; Jimmy Antoporda na siya ring naging musical director, at ang Concert King na si Martin Nievera.