Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Public funds nasayang sa fogging—Mapecon

MAAARING nasayang lamang ng Department of Health (DoH) ang pondo ng taumbayan kaugnay sa anti-dengue project sa 21 barangay sa Metro Manila ayon kay inventor/entomologist Gonzalo Catan, Jr., executive vice president ng Mapecon Philippines, Inc., ang pangalan na synonymous sa pagsugpo sa mga peste.

Sa ilang press releases, sinabi ng Mapecon, hindi uubra ang fogging sa airborne mosquitoes dahil naitataboy lamang at hindi napupuksa ang mga insekto sa nasabing proseso. Ayon kay Catan, magiging epektibo ito kung gagamitin nang direkta sa mga lamok. “But how can you spray head on airborne mosquitoes?” tanong ni Catan.

Ang pahayag ni Catan ay sinang-ayonan naman ni Dr. Lyndon Lee Suy, DoH dengue control preventive program manager, inihayag sa inilathalang ulat, na ang fogging (misting) ay walang epekto sa mga lamok na nagtataglay ng dengue. Ayon kay Lee, sa fumigation ay maaari lamang tumibay ang resistensya ng mga lamok sa pesticide.

Idiniing ang dengue ay suliranin sa mga komunidad, nagpahayag ng suporta si Catan sa panawagan ng local officials na maglinis nang regular sa kanilang paligid at gumamit ng larvae (kiti-kiti) traps bago pa dumami. Magiging malaking tulong sa gobyerno kung lilinisin ng mga komuinidad ang mga lugar na pinamumugaran ng mga lamok katulad ng stagnant water, esteros, upside coconut shells o mga lata.

Ang Mapecon ay may five-in-one mosquito catcher na umaakit sa mga lamok sa trap sa pamamagitan ng kombinasyon ng sonar, pheromone (odor attractant) at blue light.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …