UMAABOT na sa P7.3 trillion ang consolidated public sector debt ng Filipinas.
Sa plenary debate sa budget, iniulat ng Department of Finance (DoF) kay House appropriations committee vice chairman Luigi Quisumbing.
Nabatid na kasama rito ang utang ng government owned and controlled corporations (GOCC) at local government units (LGUs).
Sa P7.3 trillion, nasa P5.8 trillion ang pagka-kautang ng national government.
Para sa taon 2014, P793 billion ang ibabayad ng Filipinas sa principal at interest ng utang ng bansa.
Tumaas ang pondo sa debt servicing kompara sa P720 billion noong 2012, at P767 billion ngayon 2013.
Dahil dito, pinayuhan ni House Minority Leader Ronaldo Zamora ang Aquino administration na pagtuunan ng pansin ang fiscal at financial discipline.
Sinabi naman ni Abakada party-list Rep. Jonathan dela Cruz, kung hindi aayusin ng pamahalaan ang paghawak sa pondo ng bansa ay malabong makaahon pa sa pagkakalubog sa utang.
(BETH JULIAN)