Saturday , November 23 2024
Nadine Lustre Vice Ganda Ivana Alawi

Mga sinehang nagpapalabas ng movie ni Vice Ganda nababawasan

WAGING-WAGI ang entry ng Viva Films sa 2022 Metro Manila Film Festival, ang Deleter na pinagbibidahan ng award winning actress na si Nadine Lustre dahil naungusan na nito ang pelikula ni Vice Ganda.

Balitang more than PHP121-M (habang isinusulat namin ito) na ang horror film ni Nadine samantalang PHP101-M lang ang pelikulang pumapangalawa sa kanila.

Nasa ikaong puwesto naman ang Family Matters na humamig ng  PHP40-M. 

Sinundan ng pelikula ni Coco Martin, My Teacher, Nananahimik ang Gabi, Mamasapano: Now It Can Be Told,at My Father, Myself.

Mukhang napakalaking tulong ang paghakot ng award ng Deleter sa katatapos na 2022 MMFF Gabi ng Parangal sa pag-arangkada ng nasabing pelikula sa box office.

Bukod sa panalo sa takilya, nadagdagan pa ng sinehan ang Deleter, habang nabawasan naman ang Partners in Crime at ang iba ay kaunti na lang ang sinehan. (John Fontanilla)

About John Fontanilla

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …