AGAW-BUHAY sa pagamutan ang 61-anyos biyuda makaraang barilin ng hindi pa nakikilalang lalaki kahapon ng madaling araw sa Las Piñas City.
Inoobserbahan sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Carmelita Cabrera, dahil sa isang tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa kaliwang pis-ngi.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Cris Gabutin ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay City Police, nasa loob ng bahay ang biktima sa 1696 F. Munoz St., Brgy 43 nang pasukin at barilin ng suspek na naka- helmet dakong 4:45 ng madaling araw.
Sa pag-akalang na-patay nito ang biyuda agad tumakas ang suspek at sumakay sa naghihintay na motorsiklo na minamaneho ng kanyang kasama patungo sa hindi nabatid na direksiyon.
Ayon kay SPO1 Ga-butin, naisulat pa ng biktima ang tatlong anggulo na posibleng motibo sa nasabing tangkang pagpatay.
Sa sulat ng biktima, posibleng ang pagtakbo niya bilang kagawad sa nalalapit na halalan ang isa sa dahilan habang hindi rin inaalis ang posibi-lidad na baka ang pagi-ging officer-in-charge niya sa homeowners association ang posibleng motibo.
May hinala rin ang biktima na ang kanyang papel sa puspusang paglilinis ng pulisya laban sa droga sa kanilang lugar ang dahilan ng tangkang pagpatay lalo na’t batid ng marami na may ma-lapit siyang kaanak na pulis na nakatalaga sa Narcotics unit ng pulisya.