Saturday , November 23 2024
paputok firecrackers

13 sugatan sa 2023

UMABOT sa 13 indibidwal ang napaulat na nasugatan dahil sa paputok noong pagsalubong ng Bagong Taon sa Navotas City.

Sa report ni P/SSgt. Karl Benzon Dela Cruz kay Navotas City police chief P/Col. Dexter Ollaging, noong 8:00 am ng 1  Enero 2023, 13 indibidwal ang naitala na dinala sa Navotas City Hospital (NCH) dahil sa mga pinsalang may kinalaman sa paputok.

Ang mga sugatan biktima ay kinabibilangan ng dalawang batang babaeng edad 8 at 9 anyos, isang 17-anyos lalaki, anim na babae at apat na lalaking, pawang mga nasa hustong gulang.

Isinugod ang mga biktima sa NCH at matapos magamot ang mga sugat at agad din naman silang pinauwi sa kani-kanilang bahay.

Nabatid na may paalala ang pamahalaang lungsod ng Navotas na bawal ang paggamit ng anumang paputok o fireworks alinsunod sa Executive Order No. TMT-060. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …