Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Heaven Peralejo Ian Veneracion

Heaven inaming posibleng ma-fall kay Ian… kung binata ito

HINDI kataka-taka kung hindi napigil ni Heaven Peralejo na sabihing hindi imposibleng ma-fall siya kay Ian Veneracion. Magkasama ang dalawa sa Nanahimik Ang Gabi, entry ng Rein Entertainment sa Metro Manila Film Festival 2022 at idinirehe ni Shugo Praico.

Ani Heaven, nakikita niya sa aktor ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki na boyfriend at husband material.

“With all the qualities that he have, I think kung binata siya, yes. Let’s see,” nangingiting sabi ni Heaven.

Gumaganap na sugar daddy ni Heaven si Ian kaya naman may mga maseselang eksena ang dalawa. At bago tinanggap ni Heaven ang pelikula ay matimtimang paliwanagan muna ang nangyari.

At nang matanong si Ian kung in real life ay posibleng maging sugar baby si Heaven sinabi nitong, “Naisip ko kung binata ako, maging sugar baby kita, hindi. Hindi kailangan. Hindi ka naman pang-sugar baby eh,” anang seasoned actor.

Hirit naman ni Heaven, “Hindi talaga ko papayag maging sugar baby.”

Na sinang-ayunan ni Ian aniya, “In real life kasi, she’s financially independent, she has a career, ang layo sa character niya, eh.”

Ang Nanahimik Ang Gabi ay mula sa Rein Entertainment at mula sa panulat at direksiyon ni Shugo Praico. Makakasama rin dito si Mon Confiado at mapapanood na simula December 25.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …