Thursday , June 4 2026
Carlos Agassi

Pagtakip ni Carlos sa private part ng cake viral

HATAWAN
ni Ed de Leon

PINAG-UUSAPAN nila ang isang picture ni Carlos Agassi, na sinasabing wala nga siyang suot ano mang saplot sa katawan, at

ang kanyang private parts ay tinatakpan lamang niya ng isang birthday cake. Ipinost niya iyon sa sarili niyang social media account kasabay ng birthday niya.

Walang malisya kay Carlos ang bagay na iyon. Lahat iyon for fun. After all ang inaalala nga naman ay kapanganakan niya, sino ba naman ang ipinanganak na may damit. Isa pa sanay naman si Carlos na magpa-sexy. Hindi ba noong endorser pa siya ng isang underwear brand nagkalat ang kanyang pictures na walang suot kundi underwear lang?

Isa pa, kaya namang magmalaki ni Carlos dahil maganda naman ang kanyang katawan. Aba eh halos nabubuhay na yata siya sa gym.

Ewan pero wala kaming nakikitang masama sa picture na iyon ni Carlos. Hindi naman siya nagbuyangyang ng kanyang private parts.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …