Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
itak gulok taga dugo blood

Umawat sa away
22-ANYOS BEBOT ‘SINUNDANG’ NG KAAWAY NG NANAY

SUGATAN ang isang 22-anyos babae na umawat sa pananaga ng isang ginang na nakaaway ng kanyang nanay, sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Patuloy na inoobserbahan sa Philippine Orthopedic Center (POC) ang biktimang kinilalang  si Tricia Mae Lim, 22 anyos, residente sa Brgy. San Roque sanhi ng mga taga sa kanang kamay.

Kusang loob na sumuko ang suspek na kinilalang si Ruby Acuña, 47 anyos, may-asawa, residente sa M. Naval St., Brgy. San Roque, nahaharap sa mga kasong kriminal.

Batay sa ulat ni P/SSgt. Reysie Peñaranda kay Navotas City police chief P/Col. Dexter Ollaging, dakong 5:45 pm nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang nanay ng biktima at ang suspek na si Acuña sa Angeles Daungan 4, Brgy. San Roque.

Sa gitna ng pagtatalo ay umuwi ang suspek ngunit nang bumalik ay armado ng sundang o jungle bolo kaya’t tinangkang umawat ng biktimang si Lim.

Sa hindi malamang dahilan, biglang sinugod at pinagtatataga ni Acuña ang 22-anyos na si Lim, tinamaan sa kanang kamay.

Isinugod ang biktima ng kanyang nanay sa Tondo Medical Center at kalaunan ay inilipat sa POC hospital habang kusang loob na sumuko sa nagrespondeng mga tauhan ng San Roque Police Sub-station 2 ng Navotas City si Acuña, dala ang ginamit niyang jungle bolo. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …