Monday , December 23 2024
internet wifi

Sa panukalang 2023 budget ng DICT
2% NAABOT NG FREE WI-FI PROJECT SA PUBLIC SCHOOLS PINUNA NG SENADOR

LIMANG TAON na ang nakalipas mula nang maisabatas ang Free Internet Access in Public Places Act o ang Republic Act No. 10929, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay 1.8 porsiyento lamang ng mga pampublikong paaralan sa bansa ang may libreng Wi-Fi.

Mariin itong pinuna ni Senador Win Gatchalian sa kanyang interpellation sa panukalang pondo ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Hinimok din niya ang kagawaran na tiyaking maaabot nito ang itinakdang target sa paglalagay ng libreng internet sa mga pampublikong lugar, kabilang ang mga paaralan.

“Ang ating mga mag-aaral ang makikinabang dito dahil paiigtingin nito ang pagdaloy ng impormasyon, lalo para sa mga kababayan nating nangangailangan,” ani Gatchalian.

Sa naitala noong 2 Setyembre 2022 ng Free Public Wi-Fi Dashboard, 860 sa 47,421 pampublikong paaralan sa bansa ang may libreng Wi-Fi.

Lumalabas din sa Free Public Wi-Fi Dashboard na patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga pampublikong paaralan na may libreng Wi-Fi mula noong Oktubre 2021.

Noong panahong iyon, nasa 1,190 o 2.5 porsiyento ng mga pampublikong paaralan ang may libreng Wi-Fi. Lalo itong bumaba sa 945 noong Enero 2022.

Sinabi ng Chairman ng Senate Committee on Basic Education kung paano nabigyang diin ng pandemyang COVID-19 ang digital divide, lalo noong ipatupad ang distance learning na kinailangan ang maayos at mabilis na internet.

Ayon sa isang survey ng World Bank noong 2021 sa mga sambahayang nangangailangan, 40 porsiyento lamang ang may access sa internet.

Lumabas din sa naturang survey, 95.5 porsiyento ng mga sambahayan ay gumamit ng mga papel na modules at learning materials.

Sa ilalim ng panukalang national budget para sa 2023, P2.5 bilyon ang nakalaan para sa pagpapatupad ng Republic Act No. 10929.

Samantala, inihain ni Gatchalian ngayong taon ang Proposed Senate Resolution No. 59 upang repasohin ng Senado ang pagpapatupad ng Free Internet Access in Public Places Act at sa Open Distance Learning Act (Republic Act No. 10650).

Layunin ng Republic Act No. 10929 na maglagay ng libreng internet sa mga pampublikong lugar. Layon din ng panukalang batas na maglagay ng libreng Wi-Fi sa mga pampublikong paaralan, mga alternative learning system centers, State Universities and Colleges, Technical Education and Skills Authority (TESDA) technology institutions, at iba pa. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …