Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andre Yllana

Andre malaking pressure pagiging anak nina Aiko at Jomari

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI talaga showbiz ang anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana na si Andre Yllana kahit matagal-tagal na rin itong nag-aartista. Diretso at totoo kasi ito sumagot kapag naiinterbyu.

Tulad sa isinagawang The Rain in Espana cast reveal kamakailan ng Viva Entertainment, na isa si Andre sa mga ipinakilalang celebrities na kasama rito at natanong kung ano ang advantage at disadvantage na maging anak ng artista? 

Walang paligoy-ligoy na sinabi ni Andre na isang disadvantage para ang pagkakaroon ng mga magulang na parehong sikat sa showbiz.

Sa totoo lang po, disadvantage pa nga po kasi ‘yung pressure. Siyempre, parehong artista ang mga magulang ko, maraming ine-expect ‘yung mga tao sa ‘yo.

“Para sa akin lang naman po ito, ha. Para sa akin, wala po talagang advantage, disadvantage po para sa akin. ‘Yun lang naman po kasi ‘yung pressure po talaga,” nangingiting sambit ni Andre.

Pero may mga pagkakataon din naman na nae-enjoy niya ang pagiging anak ng celebrity lalo kapag dumadalo ng events dahil nabibigyan siya ng special treatment.

Siguro, may ilang instances po na magagamit mo siya as advantage, pero ‘di naman para gamitin pa. Kasi, minsan parang may, ‘O, ‘di ba, anak ka ni ganito, anak ka ni ganyan,’ ‘Eh ‘di, ganito ka, ganyan ka,’ ‘O, dito ka na,’ parang may special treatment po,” aniya at sinabing hindi niya inaabuso ang ganitong sitwasyon.

Kasama rin ni Andre sa Wattpad series  sina Bea Binene, Francis Magundayao, Marco Gallo, Heaven Peralejo at marami pang iba na ididirehe ni Theodore Boborol.

Natanong din si Heaven, pamangkin nina Rica at Paula Peralejo ukol sa advantage at disadvantage at sinabi nitong, “Parang I’m making my own name. So, I don’t think na sobrang laking part as a Peralejo because I’m making my own name as Heaven, as an actress who can portray a lot of characters and give the roles justice.”

Kasama rin sa serye ang anak ni Lara Morena na si Frost Sandoval, at sinabi nitong, “I can run to my mom whenever I’m not confident in my craft. I think the advantage is she paved a way for my path and I’m following it. In the same way, I’m also trying to make my own way, my own path.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …