Friday , November 22 2024

Sa Sultan Kudarat
GURONG CARTOONIST PATAY SA TAMBANG 

110622 Hataw Frontpage

HINDI NAKALIGTAS sa kamatayanang isang guro matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa Brgy. Pasandalan, bayan ng Lebak, lalawigan ng Sultan Kudarat, nitong Sabado ng gabi, 5 Nobyembre.

               Kinilala ng pulisya ang biktimang si Benharl Kahil, 34 anyos, award-winning cartoonist, guro,  at coordinator ng special program in the arts ng Lebak Legislated National High School.

Kilala si Kahil sa paglikha bgn caricature dahil sa kanyang mga komentaryong panlipunan at adbokasiya laban sa disimpormasyon sa pamamagitan ng kanyang sining.

Ayon kay P/Lt. Col. Julius Malcontento, hepe ng Lebak MPS, sakay si Kahil ng kanyang motorsiklo pauwi ng kanyang bahay nang tambangan pasado 10:00 pm kamakalawa.

Pinagbabaril ng mga suspek si Kahil nang ilang beses saka siya tinapos sa pagpapaputok sa kanyang ulo.

Dagdag ni Malcontento, patuloy ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa insidente.

Bukod sa pagiging guro sa pampublikong paaralan, nakilala si Kahil dahil sa kanyang mga iginuhit na editorial cartoon.

               Nagwagi ang isa sa kanyang mga obra sa 3rd Pitik Bulag’s Tagisan Editorial Cartoon Contest (senior category) ngayong taon.

Nagtamo ng unang karangalan ang kanyang obra tungkol sa karapatan ng mga kababaihan sa iChange Komiks, habang pangalawa ang kanyang obra tungkol sa karapatan ng mga bata.

Noong 2020, nanguna si Kahil sa 1st Pitik Bulag Online Exhibition and Contest (open category), at pumangatlo sa 1st Pitik Bulag Tagisan Editorial Cartoon Contest noong 2021.

Kabilang ang Pitik Bulag sa inisyatiba ng #FactsFirstPH laban sa disimpormasyon sa pamamagitan ng visual arts partikular gamit ang komiks at editorial cartoon.

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …