Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joshua Garcia Jane de Leon higop Kiss

‘Higupan’ nina Joshua at Jane ‘di klik sa netizens

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKATATAWA, “higop king” na ang tawag nila ngayon kay Joshua Garcia matapos na mag-trending at naging talk of the town ang halikan nilang dalawa sa kanilang tv series. Aba siyempre umangal din ang fans ni Jane de Leon. Dahil daw sa halikan kaya hindi napansin si Jane.

Para naman parehas, nagkaroon din sila ng lips to lips kissing scene ni Joshua. Pero ewan, mas pinag-usapan pa rin ang halikan nina Joshua at Janella Salvador. Iyang si Jane, mukhang hindi lang Darna na hindi makalipad, hindi rin siya makahigop.

Hindi kasi napipilit iyan talaga eh. Sabihin nating parang nabantilawan iyang si Jane dahil isinabak nila sa isang project na hindi siya handa. Tapos naikukompara pa siya sa mga naunang choices na sina Angel Locsin at Liza Soberano na parehong malakas at unang nabalitang gagawa ng Darna bago siya.

Kung iyan sana ay kasing lakas man lang ni Sanya Lopez, kakagatin iyan. Kaso hindi eh, at hindi siya naihanda nang husto. Maliban sa kanilang mga sariling pralala, sino ba ang nakakakilala riyan kay Jane?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …