Thursday , February 19 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

2 pulis-Pasig, 2 pa tiklo sa entrapment

NASUKOL sa ikinasang entrapment operation ng mga awtoridad ang dalawang tauhan ng Pasig PNP at dalawang sibilyan na hinihinalang magkakasabwat na sangkot sa ilegal na droga sa Brgy. San Miguel, lungsod ng Pasig nitong Lunes ng gabi, 24 Oktubre.

Kinilala ng Integrity Monitoring and Enforcement Action Team (IMEAT) ang mga nadakip na suspek na sina P/SMSgt. Michael Familara, 47 anyos; P/Cpl. Nathaniel San Buenaventura, 30 anyos, kapwa nakatalaga sa Sub-Station 7, Station 2 (Pasig) ng Eastern Police District; at dalawang sibilyang pinaniniwalaang kanilang kasabwat na sina John Carlo Zapanta at Carl Anito sa kasong robbery extortion at paglabag sa RA 10591 at RA 9165.

Nabatid, naunang nahuli ng mga suspek na pulis si Maricel Banta, 38 anyos, sa kasong paglabag sa RA 9165 nang pasukin sa kanyang bahay dakong 11:00 pm noong 18 Oktubre.

Sa salaysay ni Banta, kinuha ng mga suspek ang laman ng alkansiya ng kanyang anak na nagkakahalaga ng P10,000 saka siya dinala sa  paligid ng Pasig Police Station ngunit hindi naman siya umano ikinulong ng mga humuli sa kanya.

Ayon sa reklamo sa pulisya ni Banta, hinihingan siya ng mga suspek ng P100,000 na bumaba sa P10,000 sa pamamagitan ng GCash kapalit ng hindi na siya sasampahan ng kaso.

Naghulog si Banta noong 19 Oktubre ng umaga ng halagang P6,000 sa pamamagitan ng GCash saka siya dinala sa kanyang bahay upang maibigay ang kulang niyang P4,000.

Narekober ng mga operatiba ng IMEAT, 35th SAC, 3SAB, Special Action Force, at Pasig PNP NCRPO mula sa mga suspek ang apat na P1,000 buy-bust money; isang maliit na sachet ng shabu; isang 9mm pistol na may magasin, bala, kalibre .45 (airsoft), isang Mio Yamaha motorcycle; at apat na cellphone. (EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Lenio Robredo People Power sa QC M4GG

Leni Robredo bida sa People Power 40 Kick-Off Concert

INIIMBITAHAN ni dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo ang publiko na …

Pag-IBIG BBM

Pag-IBIG backs precast housing with Megawide, targets over 7,000 units in two years

Pag-IBIG Fund highlighted the role of public-private partnerships and modern construction technology in accelerating socialized …

Bureau of Immigration, Modernization, Technology

Overstaying na Briton timbog sa Romblon

ARESTADO sa pinagsanib na operatiba ng Romblon Police at Bureau of Immigration (BI) ang isang …

Tess Mamac

Nawawalang biyuda ng ex-tserman natagpuang nakabaon sa bakuran

NATAGPUAN ang nawawalang misis ng yumaong dating barangay chairman ngunit hindi buhay kundi bangkay na …

dead gun

Pamangkin ng mayor utas sa ambush

PATAY ang pamangkin ni Shariff Aguak Mayor Akmad Ampatuan, Sr. na unang nakaligtas sa ambush …