MULING nilindol ang lalawigan ng Abra nitong Martes ng gabi, 25 Oktubre, may lakas na magnitude 6.7 kung saan naitala ang epicenter sa pitong kilometro hilagang kanluran ng bayan ng Tineg.
Ramdam ang pagyanig na may tectonic origin na naitala dakong 10:59 pm, may depth of focus na 28 kilometro.
Ramdam ang Intensity V sa Sinait, Ilocos Sur; habang ramdam ang Intensity IV sa lungsod ng Baguio.
Naitala ang mga sumusumunod na instrumental intensities na naramdaman sa iba’t ibang bahagi ng Luzon:
Intensity V – Gonzaga, Peñablanca, at Claveria Cagayan; Pasuquin sa Laoag, Ilocos Norte; Vigan City, Ilocos Sur
Intensity IV – Bangued, Abra
Intensity III – Baler, Aurora at Ilagan, Isabela
Intensity II – Bayombong, Nueva Vizcaya, Urdaneta at Dagupan, Pangasinan, at Madella, Quirino
Intensity I – Dinalupihan, Bataan; Bulakan, Calumpit, Malolos, at Plaridel, sa Bulacan; Pasig at Navotas sa Metro Manila; Cabanatuan at San Jose, Nueva Ecija; Guagua, Pampanga; Umingan, Sison, Bolinao, Infanta, at Bani, Pangasinan; Polillo, Mauban, at Infanta, Quezon; Tanay at Taytay, Rizal; Ramos, Tarlac; at Iba, Zambales
Samantala, naitala ang matinding pinsala sa Parokya ng Nuestra Señora dela Paz sa La Paz, Abra.
Gayondin, sinuspendi ni Ilocos Norte Governor Matthew Manotoc ang lahat ng klase sa pribado at pampublikong paaralan, at trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno ngayong Miyerkoles, 26 Oktubre, para sa pag-iinspeksiyon at pagtataya ng mga pinsala sanhi ng lindol kagabi.