Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bobby Yalong blind item singer

Bobby Yalong ayaw nang idirehe singer na nagsermon sa concert

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKAKUWENTUHAN namin ang fashion designer at talent manager na si Bobby Yalong na muli naming nakita after 22 years. Bukod sa painting at pagde-design pa rin ng mga damit, nagdidirehe na rin si Tito Bob ng mga concert sa US.

Okey naman na trabaho iyon, pero isinusumpa niya, may isang female singer na hindi na niya ididirehe ang show kailanman. Alam naman daw ng mga tao na ang singer ay born again, pero nagbayad ang mga tao para sa concert. Gusto siyang marinig na kumanta. Aba ang ginawa raw ay nagsermon nang nagsermon, na mas mahaba pa kaysa kanta niya. Bukod doon pinatawag siya bago magsimula ang show. Tinanong siya kung ilan ang front act, sinabi niyang apat at tigalawang kanta ang bawat isa. Sabi raw ng female singer, “masyadong mahaba iyon. Hindi ba puwedeng tig-isang kanta na lang sila?” 

Sabi nga raw ni Tito  Bob, iyong apat, sila ang nagbenta ng mga ticket dito para may manood sa inyo. Alisin mo iyan eh kung umalis ang mga taong bumili ng tickets na mga kaibigan nila, sino ang manonood sa inyo?

Sa ganoon daw natapos ang usapan, basta siya, nangako na siya sa kanyang sarili na hindi na niya ulit ididirehe ang alin mang show ng singer na iyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …