Friday , November 15 2024
Pampanga Police PNP

Pampanga PPO OIC itinalaga

PINAMUNUAN ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen ang paglilipat ng tungkulin sa Pampanga PPO na ginanap sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga, noong Sabado, 22 Oktubre.

Itinalaga si P/Col. Levy Hope Basilio bilang bagong Officer-In-Charge ng Pampanga PPO kapalit ni P/Col. Alvin Ruby Consolacion na nagsilbi bilang acting provincial director sa loob ng pitong buwan.

Si P/Col. Basilio ay miyembro ng PNPA Magilas Class of 2000 at dating naitalaga sa National Capital Region.

Tila homecoming ang kanyang pagkakaupo bilang OIC dahil nagsilbi na rin siya bilang Chief of Police ng mga himpilan ng Guagua, Porac, at San Fernando.

Binigyang diin ni P/Col. Basilio ang kapayapaan at pagbalangkas ng seguridad ni PNP Chief P/Gen. Rodolfo Azurin, Jr., na “MKK=K” o “Malasakit, Kaayusan Kapayapaan tungo sa Kaunlaran.”

“Again, I’m soliciting your support and commitment as I lead PRO3 to make our region, a safer place to live, work, for tourist to visit and do business. Patuloy tayong maglingkod nang buong katapatan para sa patuloy na ikatatahimik at ikauunlad hindi lamang ng Pampanga kundi maging ng Gitnang Luzon,” pahayag ni P/BGen. Pasiwen sa palatuntunan. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …