Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tumalon mula sa condo
‘FUR MOMMY’ NAG-SUICIDE KASAMA NG ‘FUR BABY 

102522 Hataw Frontpage

ni ALMAR DANGUILAN

ISINAMA ng isang ‘fur mommy’ ang kaniyang alagang  aso sa kaniyang pagpapatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon sa gusali ng nirerentahang condominium sa Quezon City, Linggo ng gabi.

Ang biktima, kinilalang si Cecilia Canoy Nieva, 47, empleyado sa Manila City Hall, residente sa No. 837-A Basa St., Brgy. 50, Tondo Maynila, at may condo unit sa Celandine Residences na matatagpuan sa A. Bonifacio Ave., Brgy. Balingasa, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 6:00 pm nitong 23 Oktubre, nang maganap ang insidente sa parking ramp ng nirerentahang condo unit ng biktima sa nasabing lugar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon nina P/MSgt. Jeremias Aliggayu, P/Cpl Camilo Ross Cunanan, at P/Cpl. Rasul Monib, dumating ang biktima sa Celandine Residences sakay ng taxi, bandang 5:15 pm at dumeretso sa kaniyang unit na nasa ikaapat na palapag ng gusali.

Ilang minuto lamang ang nakalipas, habang nagro-roving ang guwardiya ng condo na si Dioscorio Manlapas, ay nakarinig siya ng malakas na lagabog mula sa parking ramp.

Dahil dito ay pinuntahan ng sekyu ang parking ramp at doon ay bumungad sa kaniya ang nakabulagta at duguang biktima katabi ang itim na maliit na aso na wala na rin buhay.

Sa panayam sa anak ng biktima na kinilalang si Sean Xavier, halos dalawang taon na umanong dumaranas ng depresyon ang kaniyang ina kaya pinaiinom ito ng prescription pills para gumaling.

Natagpuan sa condo unit ng biktima ang sulat nito na nagsasaad ng… “Please call Sean Nieva, sorry Sean.”

Inaalam din ng pulisya kung ang biktima ay may kaugnayan kay Manila councillor, Ian “Banzai” Nieva.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …