Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan

Bulacan kaisa sa pagdiriwang ng Nat’l Indigenous People’s month

BILANG pakikibahagi sa pagdiriwang ng National Indigenous People’s Month, magsasagawa ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office, ng isang programa para sa mga katutubo na tinawag na “Taunang Araw ng mga Katutubong Dumagat” ngayong Biyernes, 21 Oktubre, sa Sitio Manalo, Brgy. San Lorenzo, sa bayan ng Norzagaray.

May temang “Pagsasakatuparan ng mga Katutubong Karapatan at Kapakanan Batay sa Kanilang Pangarap at Hangarin,” layunin ng pagdiriwang na itaas ang kamalayan ng publiko at suportahan ang kultura ng mga katutubo sa lalawigan.

Inaasahang magbibigay ng kanilang mensahe tungkol sa pagpapalakas at pagpapanatili ng katutubong kultura sina Bulacan Gov. Daniel Fernando, Atty. Antonio A. Roman, OIC-Regional Director III ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP); at NCIP-Bulacan Chief Regina Panlilio.

Samantala, umaasa si Fernando na bibigyang respeto ng mga Bulakenyo ang mga Dumagat sapagkat mayroon silang mahalagang bahagi sa lalawigan.

“Ang kalalawigan nating mga Dumagat na naninirahan sa bulubunduking lugar sa Norzagaray ay katuwang natin sa paglilinang ng ating mga lupain na nakatutulong din upang maiwasan ang matitinding epekto ng mga sakuna. Marapat lang na bigyan natin sila ng pagkilala at respeto, at ang pagpapahalaga sa kanilang mayamang kultura at tradisyon ay ilan sa paraan upang ito ay maisakatuparan,” ani Fernando.

Alinsunod sa Proclamation No. 1906, Series of 2009, ang buwan ng Oktubre kada taon ay idinideklarang ‘National Indigenous Peoples Month.’ (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …