Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
lotlot de leon nora aunor

Lotlot mas importante ang bonding kay Nora 

MA at PA
ni Rommel Placente

NAPABALITA noon na nagkaayos na ang mag-inang Nora Aunor at Lotlot de Leon. Ang huli ang gumawa ng move para magkaayos sila. Nang ma-ospital si ate Guy, dinalaw at binantayan siya ni Lotlot na naging dahilan para magkaayos sila. 

Nang tanungin si Lotlot kung kain at paano sila nagkaayos ni ate Guy, ayaw naman niyang idetalye.

“Bastaaaaa,” ang sagot ni Lotlot na tumili sa interview sa kanya ng Pep.ph. “Importante ay okey na!” sabay tawa niya.

“Ganoon naman, eh. Minsan hindi naman pinaplano ang lahat ng bagay. Minsan nangyayari na lang. Basta okey na.”

Sa pagkakaayos nina ate Guy at Lolot ay nagkaroon na ulit sila ng communication.

“Yeah, I was just with her a few days ago. Magkasama kami.

“Kaya lang hindi rin kasi para… ‘Di ba, ‘yung magpo-post ka nang magpo-post?

“Kasi, hindi naman importante ‘yun, eh. Ang importante is what I have with her at the moment.”

Samantala, super happy din si Lotlot sa pagkilala sa kanyang mommy Nora bilang National Artist For Film.

“Ay, yeah! Grateful ako, at finally it was given to her.”

Sobrang proud si Lotlot na napasama na sa hanay ng National Artists ang ina

“Nakaka-proud lang talaga. We’re all proud of her.

“I think the whole country is proud of my mom’s accomplishment. Nakatutuwa lang talaga ‘yung recognition na ibinigay sa kanya,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …