INILIGTAS ng mga pulis ang isang residenteng na-trap sa loob ng sariling bahay dahil sa bahang dulot ng malakas na pag-ulan sanhi ng bagyong Neneng sa Brgy. Dibalio, bayan ng Claveria, lalawigan ng Cagayan, nitong Linggo, 16 Oktubre.
Gumamit ng lubid ang mga tauhan ng Claveria MPS upang masagip mula sa baha ang 50-anyos residente, kinilala sa pangalang Randy na basang-basa at nanginginig sa ginaw.
Samantala, patuloy ang Claveria MPS sa pagsasagawa ng search and rescue operations para sa stranded na mga residente katuwang ang Philippine Coast Guard at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Samantala, binabantayan ng Task Force Lingkod Cagayan sa pakikipagtalungan sa water search and rescue group ang Bagunot Bridge sa bayan ng Baggao dahil sa pag-apaw ng tubig sa ilog bunsod ng malalakas na pag-ulang hatid ng bagyong Neneng.
Nakasaad sa advisory ng MDRRMO Baggao na hindi maaaring daanan ang San Isidro-Taytay Bridge at C. Versoza-Agaman Proper dahil sa baha.