Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Madam Inutz Genesis Gallios Wilbert Tolentino

Madam Inutz humakot ng pera sa birthday dinner ni Genesis Gallios

MATABIL
ni John Fontanilla

WINNER ang birthday dinner show ng entertainment guru at tinaguriang Queen of Entertainment Bar na si Genesis Gallios na may titulong Reign last October 1 sa Manila Hotel.

Nagpasaya at nagpakilig ang kanyang special guests niyang sina Xian Lim sa kanyang medley songs, habang lumilibot sa bawat table samantalang tinilian naman ang ginawang pagta-topless at pagpapakita ng perfect abs ni Vin Abrenica na napakahusay din palang kumanta.

Humakot naman ng salapi ang former PBB housemate na si Madam Inutz habang kinakanta ang kanyang signature song na Inutil na binigyan ng pera ng mga bisita.

Biritan kung biritan naman sa kanilang mga song sina Sephy Francisco at Ima Castro. Hindi naman nagpakabog at napakahusay din ang performance ng Junior New System, Pink Mannequins, Gents Squad, Breezy Boys at ilan pang surprise guests.

Nasorpresa naman ang lahat sa pagrampa ng mga guwapong modelo na naka-trunks.

Hindi naman nagpakabog ang may birthday na si Genesis dahil bongang-bongga rin ang kanyang mga production number.

Nagsilbing launching din ito ng bagong project ni Genesis, ang Gergal Events and Talent Management ipinakita ang ilan sa kanilang magiging proyekto ngayong taon at sa 2023.

Present din sa birthday dinner ang malalapit na kaibigan ni Genesis mula kay Wilbert Tolentino, Raoul Barbosaatbp..

Ang birthday dinner show ni Genesis ay hatid ng Gergall Events and Talent Management, mula sa mahusay na direksiyon ni Mak de Leon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …