Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marcus Adoro Barbara Ruaro syd hartha

Marcus ng EHeads binabanatan, inireklamo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MARAMI ang natuwa sa muling pagsasama-sama ng legendary OPM band na Eraserheads sa isang konsiyerto sa December. 

Subalit mayroon ding umalmang fans ng EHeads laban sa isang miyembro nito. Ang tinutukoy nila ay si Marcus Adoro na umano’y nasangkot noon sa iba’t ibang kontrobersiya lalo na ang reklamo laban sa kanya ng dating partner at indie actress na si Barbara Ruaro.

Dagdag pa ang alegasyon ng kanyang anak na si syd hartha, isa ring singer-songwriter.

Anito na ipinost noon sa kanyang socmed, “Sa labing limang taon ng buhay kong wala siya upang gumanap na ama sa akin, sobrang dami kong tanong tungkol sa kanya at wala na akong ibang ginusto kundi makilala yung iba ko pang mga kadugo at siyempre, malaman ang pakiramdam na makasama siyang sinasabi nilang tunay kong ama.

“Sa halos isang taong madalas ko siyang nakakausap at nakakasama, nabigyan na ng kasagutan lahat ng bitbit kong katanungan noon. Hinding hindi ko makakalimutan iba’t ibang klase ng abuso na dinanas ko sa kanya. Kaya pala ako nilalayo ng nanay ko at iba pang mga kamag-anak ko sa kanya. Kaya pala.”

Sinabi naman ng fan na si Geloy Maligaya Concepcion sa  Facebook, “Fan din ako ng mga kanta nila, super, sa totoo lang, kaso di ba may kaso ng pang aabuso ng babae at sariling anak niya si Marcus Adoro? May sinabi ba mga kabanda niya tungkol dun? Ano na ba nangyari dyan? Cecelebrate ba natin yan?”

“Gets ko naman, ang sakit sa ulo lalo na kung mahal mo ang musika nila. Maganda siguro ma address muna ito ng eheads.”

Susog pa ng isang netizen, “Stop being blinded just because we love them as a band. Marcus Adoro is CLEARLY an abuser who doesn’t deserve the limelight anymore.”

Malala ang pinagdaanan ng anak nya under him just for us to sweep everything under the rug because he’s a member of a band we love,” sabi pa ng isang fan sa Twitter.

Nagpasalamat naman sina Barbara at syd hartha sa lahat ng sumuporta sa kanila at nagsalita laban kay Marcus.

Bukas ang Hataw sa anumang pahayag ni Marcus ukol sa usaping ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …