Sunday , December 22 2024

Pagdukot, pagpapatubos sa mga Tsinoy, lumala na naman?

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

NAKAPAPANGAMBA ang ulat ng Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (PCCCII) na lumalala  naman (daw) ang pagdukot at pagpapatubos sa mga Fil-Chinese.

‘Ika nga ng PCCCII, umaabot na sa 56 kaso ng  pagdukot na naitatala ng kanilang samahan at nangyari ang lahat sa loob lamang ng sampung araw.

Aba’y kung totoo nga itong ulat ng PCCCII, buhay na buhay nga naman ang kidnapping sa mga kababayan nating Tsinoy. Hindi biro ang bilang na 56 kaso sa loob ng 10-araw. Ano ito, bumabalik ang mga nangyari noong early 1990s?

Yes, naalala ko kasi noong nasa field pa tayo bilang reporter (early 1990s), ang mga istorya na ginagawa namin noon ay patungkol sa kidnapping with ransom. Halos araw -araw iyan. Kung hindi kidnapping ay bank robbery, armored van robbery, at iba. Madalas nangyayari ito, tuwing suweldo “15-30.”

Nakalulungkot nga lang na kadalasan ay nakalulusot ang mga kriminal at ang masaklap ay nag-iiwan pa sila ng patay. Mga guwardiya o escort ng van ang napapatay ng mga holdaper. Ganoon katindi ng krimen noon.

Hindi naman nagtagal, halos wala na o natigil na ang kaso ng kidnapping maging ang bank at armoured van robbery. Tumahimik ang mga sindikato dahil sa pinaigting na kampanya ng pulisya.

Ngayon, aba’y tila’y nanumbalik na yata ang pagdukot, akalain ninyo 56 katao sa tropa ng mga Fil-Chinese businessmen ang dinukot at pinatubos sa loob lamang ng 10 araw.

Bad news ito Ginoong PNP Chief, Gen. Rodolfo Azurin…aba’y within ten days at sa termino pa ninyo nangyari ang lahat. Ano na ang nangyayari sa pagbabantay ng pulisya natin? Balik pansiterya na naman yata ang mga pulis natin kaya nalulusutan ng mga kidnapper.

Hindi lang daw mga Fil-Chinese ang mga biktima kung hindi mayroon din mga Pinoy.

Anyway, in fairness sa pulisya natin, talagang nagtatrabaho at nagbabantay naman sila. Iyong nga lang kung minsan naman ay nalulusutan. Kung minsan nga lang ba o madalas?

Anang PNP, walang katotohanan ang ulat na pagdukot at sa halip kung mayroon man, base sa rekord ng PNP, apat na kaso lamang ng kidnapping ang nairereport, malayong-malayo sa sinasabing bilang na 56 sa loob ng 10 araw.

Bagamat, sa talaan ng PNP Anti-kidnapping group, nakapagtala na sila ng 27 kaso ng pagdukot simula noong Enero hanggang sa kasalukuyang buwan. Malayo pa rin sa sinasabing 56 kaso. At karamihan sa dinukot ay mga kawani ng Philippine Offshore Gaming operators (POGO).

Ano pa man, 27 kaso o 56 kaso ng pagdukot at pinatubos, hindi iyon ang mahalaga at sa halip, patunay ang mga nasabing bilang na mayroong nangyayaring pagdukot o buhay na naman ang mga kidnap for ransom group kaya, dapat maging alerto ngayon ang PNP.

Kailangang paigtingin ng PNP ang kampanya laban sa kriminalidad lalo sa kidnapping. Hindi naman lingid sa kaalaman natin na ang trabaho ng pulisya ay bigyang proteksiyon ang mamamayan lalo ngayong nagbalik eskuwela na ang mga bata — at dapat rin imbestigahan ang sinasabi ng tropa ng Chinese businessmen na talamak ulit ang pagdukot sa kanilang komunidad bago pabulaanan ang isiniwalat ng PCCCII.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …