Friday , November 15 2024
Jueteng bookies 1602

Sa Malabon
KOBRADOR,  MANANAYA NASAKOTE SA LOTTENG 

BINITBIT sa selda ang tatlo kataong naaresto sa isinagawang anti-illegal gambling operation in-relation to S.A.F.E NCRPO ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng tanghali.

Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 (Lotteng) as amended by R.A. 9287 ang mga naaresto na kinilalang sina Jose Dela Rosa, Jr., 28 anyos, pedicab driver, Mareon Marzon, 30 anyos, construction worker, kapwa ng Brgy. Tugatog, at Jonjon Lumantao, 39 anyos, jeepney driver ng Caloocan City.

Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Honeybelle Data, nakatanggap ang mga tauhan ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) sa pamumuno ni P/Lt. Col. Rommel Labalan ng impormasyon mula sa regular confidential informant tungkol sa nagaganap na ilegal gambling activity sa Dr. Lascano St., Tugatog, Malabon City.

Kaagad nagsagawa ng anti-ilegal gambling operation ang mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni P/Lt. Melito Pabon at pagdating sa naturang lugar dakong 12:00 pm ay naaktohan ng mga awtoridad ang mga suspek habang nagpapataya at tumataya sa ilegal na sugal na lotteng.

Gayonman, napansin ng mga suspek ang presensiya ng mga pulis kaya’t mabilis nagpulasan ngunit hinabol sila ng mga arresting officer hanggang makorner at maaresto.

Nakuha sa mga nadakip ang isang bet list, dalawang bet receipt, at P400 bet collection sa magkakaibang denomination. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …