Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jillian Ward

Jillian sobrang na pressure sa bagong serye (dahil sa pagiging surgeon)

I-FLEX
ni Jun Nardo

MAS matindi ang pressure na naramdaman ng Sparkle artist na si Jillian Ward sa launching series niyang Abot Kamay Na Pangarap.

Kinailangan kasi niyang memoryahin ang medical terms sa ilan  niyang dialogues dahil surgeon ang role niya.

Kailangan naming mag-immerse sa ospital. Nanonood kami ng operasyon at ‘yung medical terms, kailangan tama.

“Hindi ito kagaya sa character ko sa ‘Prima Donnas’ na ginagamit araw-araw ang sinasabi,” pahayag ni Jillian sa zoomcon ng series.

Maging ang ibang cast na doctors at nurses ang characters, sumailalim sa training. Ayon nga sa director nitong si LA Madridejos, may nakabantay na doctor sa taping bilang consultant dahil ayaw nilang magkamali sa sinasabi nila na may kinalaman sa medisina.

Kabilang sa cast ng Abot Kamay na Pangarap na magsisimula sa September 5 sa GMA Afternoon Prime ay sina Richard Yap, Dominic Ochoa, Andre Paras at iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …