Saturday , May 10 2025
BFAR Bulacan
SUMAMA si Katrina Bernardo Balingit, bilang kinatawan ni Bulacan Gov. Daniel Fernando, sa iba pang stakeholders sa pagpapakawala ng iba’t bang kawag (fingerlings) ng mga isa sa kauna-unahang brush park sa Bulacan sa Angat River system na bahagi ng Calumpit, Bulacan. (MICKA BAUTISTA)

Santuwaryo ng mga isda sa Bulacan inilatag ng BFAR

BINUHAY ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang kauna-unahang brush park o kublihan ng mga isda (fish sanctuary) sa Bulacan.

Ang fish sanctuary na may sukat na 1,000 square meter ay sinimulan sa Angat River system sa bahagi ng  Calumpit, Bulacan.

Ayon kay Wilfredo Cruz, BFAR Central Luzon director, ang proyekto ay nasa ilalim ng “Balik Sigla sa Ilog at Lawa Program” at ang mga katutubong uri ng isda  tulad ng ayungin, ulang, martiniko, at dalag ay inimbak sa sanktuwaryo at ang ordinansa ay ipatutupad upang ito’y mapangalagaan.

Ang paglalatag ng kauna-unahang sanktuwaryo ay ginawang posible sa pakikipagtulungan ng provincial government ng Bulacan, municipal government ng Calumpit, Boys Scout of the Philippines, Knights of Columbus Luzon North Jurisdiction at ng fisherlolk ng Calumpit, ani Cruz. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

arrest, posas, fingerprints

Dayuhan nagpanggap na cosmetic surgeon nasakote sa QC

ARESTADO ang isang Vietnamese national na nagpanggap bilang cosmetic surgeon at nagpapatakbo ng isang aesthetic …

Dead Road Accident

Sa Iloilo
JEEP TUMAOB 9 SUGATAN

SUGATAN ang siyam katao nang tumaob ang isang pampasaherong jeep sa bayan ng Leon, sa …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Higit 12,000 pulis sa Gitnang Luzon nakatalaga para sa Eleksiyon 2025

MAHIGIT 12,000 pulis mula sa Police Regional Office 3 (PRO3) ang kasalukuyang naka-deploy na sa …

cyber libel Computer Posas Court

Sa Bulacan  
2 Chinese nationals tiklo sa cybercrime

PINAIGTING ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang operasyon laban sa cybercrime sa buong …

Bong Revilla Jr

INC inendoso si Bong Revilla

NAGPASALAMAT si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., nitong Huwebes, 8 Mayo, sa  Iglesia Ni Cristo …