Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krista Miller Conan King Drei Arias

Conan at Drei pinapak ni Krista Miller

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TULOY NA TULOY na sa pag-arangkada ng pinakabagong streaming platform na AQ Prime liglig, siksik, at umaapaw ang ihahandog na palabas sa mga manonood. 

Sa pagbubukas, garantisadong sa halagang P100 ay mai-enjoy ng tatlong buwan ang panonood ng mga pelikula, programa, at pagtatanghal. Napakasulit ng pa-promong ito na sadyang ginawa para sa ikaliligaya ng lahat. 

At kung ligaya ang pag-uusapan, isa rin sa mga unang handog ng Original Movies ng AQ Prime ay ang Bingwit na pinagbibidahan nina Krista Miller, Conan King, at Drei Arias. Kuwento ito ng babaeng maharot na pinapak, ginamit, at biningwit ang dalawang nilalang dahil sa tawag ng laman.

Itinodo ni Krista ang paghuhubad sa pelikula na walang takot sa pagpupulandit ng mainit niyang nararamdaman na sinabayan naman nina Conan at Drei.

Wala nang arte-arte. Makita na ang dapat makita. Walang limitasyon! Dito sa ‘Bingwit,’ game ako, game sa lahat,” sabi ng palabang sexy star.

Nagliliyab man ang pakikipaglampungan niya sa dalawang Adan na tiyak kababaliwan ng mga kalalakihan ay tiyak ding aabangan ang kakaibang kuwento ng  pag-iibingan nina Drei at Conan sa pelikula. Para sa Ikatlong lahi, hindi lang matatakam kundi mabubusog pa sa mga maiinit nilang eksena. Saksi ang  palaisdaan, lambat, at bodega sa paglalapat ng maiinit at nag-aapoy nilang damdamin at katawan.

Kung handa ka nang magpa-BINGWIT, i-download lang ang AQ Prime sa Apple at Google Play Store para mapanood ang pelikulang gawa ni Neal “Buboy” Tan na tampok din sina Rob Sy at Aldwin Alegre.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …