Saturday , December 21 2024

Angelica, nangungutang pa para maitulong sa mga taga-Laguna

KUNG hindi pa kami isinama ng katotong Vinia Vivar sa selebrasyon ng unang kaarawan ng anak ni Laguna board member Angelica Jones na si Angelo Timothy Benedict Alarva Alday na ginanap sa Sol Y Viento Mountain Hot Spring Resort sa Pansol, Laguna noong Sabado ay hindi namin malalaman na sobrang laki na ng pagbabago ng dating aktres.

At hindi namin makikita at makakarga ang guwapong anak ni Angelica na namana sa kanya ang pagka-Tisoy daw pero sa tingin namin ay kamukha rin ng lola Beth Jones bagay na hindi raw dahil kamukha raw ito ng tatay niyang si Batangas councilor Gerald Alday.

Anyway, ang sarap-sarap titigan ng bagets dahil hindi ito iyakin at maski na init na init na sa suot niyang prince suit ay hindi nagmamaktol at inaaliw ang sarili.

At ang nakatatawa habang ini-interview ang konsehala tungkol sa pork barrel ay si Angelo raw ang sumasagot na hindi maintindihan kaya’t natawa ang mag-inang Angelica at Beth dahil nagmana sa kanilang dalawa ang kadaldalan ng bagets pati na rin ang TV reporters.

Samantala, bukod sa kanyang anak, ay focused si Angelica sa kanyang distrito sa Laguna bilang Board Member.

Aniya, dumarating nga raw sa puntong nangungutang siya ng pera para lang may maitulong sa mga tao dahil wala naman siyang pork barrel.

Hindi rin sana pabor si Angelica na ma-abolish ang pork barrel dahil importante sana ito para magamit sa taumbayan pero kung ito naman daw ang nagiging sanhi ng korupsiyon ng mga opisyales ng gobyerno ay mas mabuti nga raw na tanggalin na lang.

God’s will din siguro na hindi niya tinanggap ang alok na kumandidato sa kongres nitong nakaraang eleksiyon dahil tiyak na sasakit pa ulo niya rito maski hindi naman siya damay pa.

“Sabi ko, tatapusin ko muna ang termino ko at marami pa akong batas na gustong gawin at marami pa akong gustong matutuhan. Sabi ko, ‘pag confident na ako, at saka ako lalaban,” katwiran ni Angelica.

Samantala, muling nanalo si Angelica bilang Presidente ng NMYL (National Movement of Young Legislators) CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).

Ibig lang sabihin nito ay talagang maganda ang kanyang trabaho bilang public servant para hirangin siyang Presidente at suportado raw siya nina Batangas Vice Governor Mark Leviste at Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Showbiz Police, may malaking pasabog

8 NEW SHOWS NG TV5, PARA SA ‘BETTER WEEKEND PRIMETIME’

WALONG programa para ngayong weekend ng TV5 ang sabay ini-launch o re-launching tulad ng Showbiz Police, Tropa Mo Ko Unli, Killer Karaoke, at What’s Up Doods na mapapanood na sa Sabado, Setyembre 14 at sa Linggo, Setyembre 15 ay mapapanood naman ang pagbabalik ng Pinoy Explorer, Who Wants to be A Mllionaire, Wow Mali Pa Rin, at The Mega and The Songwriter.

Alam naman natin na kapag araw ng Linggo ay family day ito pero dumalo ang mga kasama sa nasabing mga programa na sina Ms Sharon Cuneta (The Mega and The Song Writer), Edu Manzano (What’s Up Doods), Wendell Ramos at Gelli De Belen (Tropa Mo Ko Unli), Congresswoman Lucy Torres-Gomez at Raymond Gutierrez (Showbiz Police) Aga Muhlach (Pinoy Explorer) at siyempre kasama rin ang TV personalities na sina Direk Joey Reyes at ‘Nay Cristy Fermin (Showbiz Police).

Paliwanag ni Ms Wilma V. Galvante na bagong Chief Entertainment Content Officer ng TV5, “actually, hindi ginagawa ‘yun na mag-launch ng walong programa sa isang weekend, usually, isa-isa para mapag-usapan, maibigay mo lahat ng infos ng programa na ‘yan, ‘yung airtime of one program for TV5 to show our viewers that this is a winning weekends with eight (8) shows together on primetime.”

Wala naman sa okasyon sina Vic Sotto (Who Wants To Be A Millionaire), Joey de Leon (Wow Mali Pa Rin), Michael V (Killer Karaoke), at Ogie Alcasid (The Mega and The Song Writer).

Gusto naming mapanood ang pilot episode ng Showbiz Police dahil may pasabog daw sila at gusto rin namin malaman kung anong bago sa segments na Cornered by Cristy ni‘Nay Cristy, Lucy’s Desk ang kay Congresswoman Lucy, Direk’s Statement naman si Direk Joey, at hindi pa raw final ang titulong naisip para kay Raymond pero ang balita namin ay may kinalaman ito sa fashion.

At para sa kaalaman ng lahat ay si Marj Natividad ang business unit head ng Showbiz Police na nasa likod dati ng mga programang nag-number-one tulad ng Extra Challenge series sa GMA 7 at Matang Lawin, Failon Ngayon, I Dare You, at Umagang Kay Ganda ng lumipat siya ng ABS-CBN at halos lahat din ng reality shows tulad ng Artista Academy, Amazing Race at iba ng mapirata naman siya ng TV5.

Cong. Lucy, suportado ang pag-aalis ng PDAF

AT dahil miyembro ng Kamara ang isa sa host ng Showbiz Police na si Congresswoman Lucy Torres-Gomez ay hiningan namin siya ng komento tungkol sa mainit na usaping P10-B pork barrel scam.

“Well, ito ang laging pinag-uusapan sa papers, in the media, in the house, they’re taking it all ups kaya’t hintayin natin ang investigation, ang magiging resulta kasi tinututukan naman ito ng ating gobyerno,” bungad paliwanag nito.

Pabor si Lucy na ma-abolish ang pork barrel, “you know, I’m a soldier, I’m a good soldier if the President (Noynoy Aquino) says abolished, then I will support of the stand of the President.

“’Yung priority development assistance fund (PDAF) kasi is a way, for like we representatives kasi is to adjust the needs of our constituents in a way na hindi na-address ng gobyerno, roon kinukuha ‘yung scholarships, but now, lumalabas na it has been abused, dapat talaga those who are responsible for it is accountable because it is a public trust.

“So mahirap lang kasi there’s a sweeping statement, ‘di ba? Mali ng isa, mali ng lahat, damay-damay talaga which is understandable and I agree rin talaga because it’s a very big scam, it involves public funds, it should be investigated, dapat lumabas ‘yung katotohanan,” pahayag ni Mrs. Richard Gomez.

Tinanong din namin kung nagkaroon sina Lucy at Janet Lim Napoles ng pagkakataon na magkakilala.

“No!  Ang isip kasi ng tao, ang pera (pork barrel), ibinibigay ng buo sa isang congressman tapos hawak namin at kaming bahala.

“Sinasabihan kami na mayroon kaming pondo, you have to understand kasi the process na mayroon kaming pondo at ‘yung ponding ‘yun ay kami ang mag-a-identify kung saan ilalagay, so walang perang dumaraan sa kamay namin.

“Ang ginagawa lang namin ay isusulat namin na ito ilalagay sa eskuwelahan, ilalagay sa hospital, doon napupunta ang funds,” katwiran pa niya.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *