MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI man naiuwi ang isa sa apat na korona ay pumuwesto naman bilang 1st runner up ang pambato ng Angono, Rizal na si Herlene Nicole Budol sa katatapos na Binibining Pilipinas 2022 na ginanap sa Araneta Coliseum.
Umani ng malakas na hiyawan at palakpakan sa loob ng Araneta sa naging kasagutan ni Hipon sa tanong na, “A beauty pageant is a space for transformation. What has been your biggest character transformation since you joined and how could this make you deserving of a crown tonight?”
Tugon ni Hipon, “Maraming salamat, para sa akin isang karangalan ang makatungtong dito sa Binibining Pilipinas bilang binibining hindi inaasahan, para sa akin ang sarap pala mangarap, ang sarap mangarap….walang imposible. Isa po akong komedyante na laki sa hirap at ang aking transpormasyon ay magbigay ng inspirasyon. Because I know to myself that I am uniquely beautiful with a mission.”
Bukod sa 1st runner up, humakot din si Herlene ng pitong awards at ito ay ang Manila Bulletin Reader’s Choice Award, Bb. Shein, Bb. Pizza Hut, Bb. Kumu, Bb. Jag, Bb. Silka, at Bb. World Balance.