HATAWAN
ni Ed de Leon
ANG lakas nang tawa namin nang marinig ang kuwentong ang isang “supposedly ay historial movie,” nag-ending na may character na naglalaro ng mahjong na ang kalaban ay mga madre. “Cinematic license” iyan eh. Hindi totoo pero gusto nilang magpatawa.
Ang hindi lang namin gusto binigyan ng isang masamang imahe ang mga madre na naglalaro lang ng mahjong. Mukhang hindi tama iyon. Iyang mga madre, hindi lamang iyan katulong sa pagtuturo ng katesismo, nagpapakain sa mga biktima ng kalamidad. Hindi lang din sila sumasama sa mga rally, sabihin na nating nagkakampanya sa mga politiko. May higit silang mahalagang katungkulan, at iyon ay ang ipagdasal ang lahat sa Diyos.
Hindi namin sinasabing walang madreng naglalaro ng mahjong bilang libangan, pero iyong ipakikita mong dumarayo pa sa labas ng kumbento para maglaro ng mahjong, iyon ang hindi na nakatatawa.