Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angeli Khang Jamila Obispo Mac Alejandre Felix Roco Wag Mong Agawin Ang Akin

Angeli at Jamila umamin: Mahirap pa rin ang maghubad

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HUBAD kung hubad sina Angeli Khang at Jamila Obispo sa kanilang pelikulang Wag Mong Agawin Ang Akin na idinirehe ni Mac Alejandre para sa Vivamax na mapapanood na sa July 31. Pero kahit sobrang tapang nina Angeli at Jamila sa paghuhubad aminado ang dalawa na mahirap pa rin ang ginagawa nila.

Sa face to face media conference ng Wag Mong Agawin Ang Akin, sinabi ni Angeli na hirap pa rin sa kanya ang ginagawa niya kahit makikitang nakikipagtalbugan siya kay Jamila na gumanap na ina niya sa pelikula at nakaagaw sa lalaki (Felix Roco)

“Mahirap pa rin sa akin ang maghubad,” pag-amin ni Angeli. “Kaya noong ipinakikita ang mga frontal ko, nahihiya pa rin talaga ako. Hindi pa rin ako ready na ganito ang ginagawa ko.”

Pero dahil sa tulong ng kanilang direktor lumalakas ng kaunti ang kanyang loob at  nababawasan ang hiya. Inaalagaan at pinoproteksiyonan kasi sila ni Direk Mac. “But with the help of Direk Mac, ‘pag nagsu-shoot na, prepared na ang towel. Laging sinasabi sa akin ni direk na, ‘Anak ipakita mo kung ano ang kaya mong ipakita. Lagi mong iisipin na it’s an art. If you look it in the wrong way, then mali talaga ang mangyayari. Lagi mong iisipin na it’s an art, na binibigyan natin ng kulay ang bawat eksena,” sabi pa ni Angeli.

At si Jamila bagamat may dalawang anak na ay hirap pa rin ang maghubad sa harap ng kamera.

“Napakahirap maghubad. It takes a lot of courage para magawa mo ‘yan. Lakas ng dibdib. Hindi siya madali. But with the support system, pinadali nila. Sa production staff, naging madali dahil kina Direk Mac,” ani Jamila.

Sinabi pa ni Angeli na nakikipag-bonding siya sa mga co-actor para mawala ang hiya. 

May special participation sa pelikula si Aaron Villaflor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …